Pagkakabit ng CCTV cameras sa mga Bus, Planong Buhayin ng MMDA

PLANONG BUHAYIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang paglalagay ng mga closed-circuit television (CCTV) cameras sa mga pampasaherong bus.

Kasunod ito ng ilang naitalang kaso ng pangho-holdap sa mga bus nitong nakaraang linggo kung saan isang chef at call center agent ang nabaril at namatay.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na nakababahala na ang mga insidenteng ito ng bus robbery na maaaring masawata naman sa tulong ng CCTV.

Madali aniyang makikita ang mga nagaganap sa loob ng bus o matatakot naman ang mga holdaper dahil sa madali silang makikilala.

Habang hindi pa ito naipatutupad, nagpaalala ang MMDA sa bus operators na huwag gawing tinted ang salamin ng mga bus at huwag ding ibaba ang kurtina.

Samantala, ito’y para madaling makita ang nangyayari at madaling makatawag atensyon kung may nagaganap na krimen sa loob ng bus at madaling makaka-responde ang pulisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.