Pagkakaaresto sa Maguindanao massacre suspect, kuryente Media at PNP, na-wow mali!

NAKURYENTE ANG PHILIPPINE National Police (PNP) at ilang kagawad ng media sa ulat na isang sangkot sa Maguindanao Massacre noong November 2009 ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar noong Lunes.

Una nang nakatanggap ng text message si PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na isang Abas Andongan, alyas Reden Abas ang inaresto sa bisa ng  warrant of arrest na ipinalabas ni Quezon City Judge Jocelyn Solis Reyes sa kasong 57 counts of murder.

Sinasabing si Andongan ay nasa kustodiya ng ARMM-CIDG at ibibiyahe patu-ngong BJMP detention center sa Bicutan, Taguig City.

Makakasama sana nito ang 89 pang sangkot sa pagpatay sa 57 katao sa bayan ng Ampatuan noong November 23, 2009.

Ang impormasyon ay nai-relay sa mga kagawad ng media na agad namang iniulat sa mga radio station bilang flash report. Subalit ilang oras ay nakatanggap uli ng text message ang mga ito mula kay Cruz na kuryente lamang ang balita.

Sakaling totoo ang ulat, 105 na lamang ang tutugisin ng mga awtoridad hinggil sa naturang krimen. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.