Pagiging matigas ng ulo ni PNoy, pinatotohanan

MATAPOS NA akusahan ni Senador Sergio Osmeña III si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na matigas ang ulo, sinegundahan naman ito ng isa pang kongresista.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na noong Abril 2012 ay nagsumite ng rekomendasyon ang stakeholders sa administrasyong Aquino matapos ang isinagawang Mindanao Power Summit.

Imbes na tanggapin ang naturang rekomendasyon, nagmatigas umano ang kasalukuyang administrasyon na huwag itong sundin kaya hanggang ngayon ay nakararanas ng 4-5 oras na brownout sa Mindanao.

Kabilang sa mga inirekomenda sa pamahalaan ay ang rehabilitasyon ng lahat ng Agus hydro plants na hindi umaabot sa kanilang kapasidad; bilisan ang implementasyon ng Balo-i flood control project at rehabilitasyon ng Pulangui plant para makagawa ng 254 megawatts na abot-kaya at renewable energy.

Inirekomenda rin nila ang konstruksyon ng renewable energy power plants imbes na coal plants at utusan ang PSALM-NPC na ipadala ang power barges sa Mindanao para saluhin ang kaku-

langan ng supply ng kuryente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.