Pagiging Mastermind ni JPE sa Pork Scam, Walang Memo – Ombudsman

SINABI NI Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nasorpresa siya sa ulat hinggil sa umano’y memorandum mula sa kanilang field investigator na nagtuturo kay Senador Juan Ponce Enrile bilang mastermind ng P10 bilyong PDAF scam.

Inihayag ni Morales na wala siyang natatanggap na walong-pahinang memo na naglalaman ng ganitong impormasyon.

Subalit mayroon aniya siyang natanggap na mahigit 200 pahinang dokumento kung saan nakasaad ang rekomendasyon na isailalim sa preliminary investigation ang PDAF scam case.

Nilinaw rin ni Morales na hindi ito nangangahulugan ng paghahain ng kaso sa Sandiganbayan.

Samantala, pinabulaanan naman ni Enrile ang akusasyon at balak niyang sagutin ito sa isang privilege speech.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.