Paghiwa-hiwalay ng basura, ipinatupad

MAHIGPIT NA IPINATUPAD ng pamahalaan lungsod ng Navotas ang paghihiwa-hiwalay ng basura ang nabubulok at di-nabubulok, ito ay bilang bahagi ng programa ng lungsod at ng City Environment and National Resources Office (CENRO) ang “Kilos Kalinisan” sa 14 na barangay.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, bukod sa regular na pagkolekta ng basura sa bawat bahay-bahay ng garbage truck , nakokolekta na rin ang mga basura maging sa mga makikipot na lugar at mga eskinita sa pamamagitan ng paggamit ng mini-collection equipment ng CENRO Kalat Busters at barangay eco-boys.

Kaugnay nito, inatasan rin ng alkalde na mahigpit na ipatupad ang “no segregation, no collection” paraan para maging responsible at mailagay sa ayos ang pagtatapon ng basura.

Ang nasabing programa ay kabilang na rin sa pagsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solod Waste Management Act 2001, na kung saan obligado ang bawat residente at mga business establishment na paghiwalayin ang kanilang mga basura.

“This program is an indicator of our concern for order, for the health of our residents and for the good of the environment.  I hope my fellow Navoteños will cooperate and do their share in maintaining a clean and green Navotas,” ani Tiangco.

Kaugnay nito, kung sinuman ang hindi sumunod ay pagbabayarin ng halagang P200 hanggang P2,500, pagkansela ng business permit o pagkakulong ng higit sa 6 na buwan.

Ito ang takdang araw ng pagkolekta ng basura: Monday-Wednesday-Friday – District 1 at Tanza, 6:00-8:00AM – Biodegradable; Tuesday-Thursday-Saturday – District 2, 6:00-9:00PM – Biodegradable; Sunday – District 1, 6:00-8:00 AM/ District 2, 6:00-9:00 PM – Non-Biodegradable.

(ROMAN MAGPOC/ MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Paghiwa-hiwalay ng basura, ipinatupad

  1. Pingback: Injury sidelines Donaire foe from boxing | Spinner News

Leave a Reply

Your email address will not be published.