Paghilera ng Jupiter, Mercury at Venus, masisilip sa ‘Pinas

MASISILIP SA Pilipinas ang natatanging paghilera ng mga planetang Jupiter, Mercury at Venus na tinatawag na “triple planetary conjunction” mula Mayo 24 hanggang 27.

Sa nasabing phenomena, makikita sa kalangitan ang tila nakaparadang mga planeta na tinatawag ng mga astronomer na “grand conjunction”.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather observer na si Nico Mendoza, maaaring masilip sa kalangitan ng mga PIlipino ang natatanging phenomena.

Sa kanlurang bahagi aniya makikita ang conjuction kung lumulubog ang araw.

Mula 30 hanggang 45 minuto matapos ang sunset maaaring makita ang paglinya ng pababang Jupiter at kapwa namang paangat na Venus at Mercury.

Base sa mga report, maaaring makita ang nakalinyang mga planeta kahit walang gamit na mga instrumento.

Sa magaganap na conjunction, Venus ang magi-ging pinakamaliwanag sa tatlo

Ngunit payo ni Mendoza, mas magiging malinaw at maganda ang pagtingin sa mga planeta mula sa mataas na lugar kung saan walang sasagabal na puno o mga gusali.

Kritikal sa mga nais makakita ang tiyempo dahil mabilis lamang itong lalabas mula sa low western horizon.

Sinabi rin ni Mendoza na walang kaakibat na masamang pangitain ang phenomena, base sa siyensya.

Samantala, muling magaganap ang triple conjunction sa 2015 at masusundan pa sa 2026.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.