Pagharap ng testigo sa korte, babawasan

SIMULA SA susunod na taon, mababawasan na ang bilang ng araw ng pagharap ng mga testigo sa korte.

Ayon kay Deputy Court Administrator Raul Villanueva, alinsunod ito sa Judicial Affidavit Rule (JAR) na inaprubahan unanimously ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman sa isinagawang en banc session kahapon.

Nakapaloob dito ang gagawing pagpapasagot sa mga testigo sa written form questionnaire na papipirmahan sa kanya at sa abogadong na-ngasiwa nito.

Naaakma ang JAR sa civil case at maging sa criminal case na ang pa-rusa ay pagkakakulong ng anim na taon pababa.

Samantala, una nang ipinatupad ang JAR sa Quezon City noong Abril ng kasalukuyang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.