Paghahanda sa 2nd match sa Mongolian Team AZKALS, NAGTE-TRAINING SA BENGUET

LA TRINIDAD, BENGUET – Nasa ‘Strawberry Capital of the Philippines’ ngayon ang mga miyembro ng The Philippine Azkals Football Team hindi para magbakasyon kundi para pag-handaan ang nalalapit nilang 2nd match ng Mongolian Team na tinalo nila sa unang laban sa Bacolod City kamakailan.

Dumating sa Benguet ang Azkals para sa isang linggong training na nagsimula noong araw ng Lunes (February 21) at magtatapos sa darating na Sabado (February 26).

Nabatid na rito napagkaisahan ng grupo na gawin ang training para sanayin ang sarili nila sa matinding lamig. Ang venue kasi ng susunod nilang laban ng Mongolian Team ay sa Ulan Bator sa Mongolia, kung saan ay may napakababang temperatura at nanunuot sa kalamnam ang matinding lamig.

Ayaw ng Azkals na ang matinding lamig ang makaapekto sa hangad nilang panalo kaya umakyat sila ng Benguet para mag-training sa Philippine Military Academy Borromeo Field. Pero dahil hindi available para sa training ang naturang lugar sa ngayon, sa Benguet State University football grounds na lang gagawin ang training.

Ang schedule ng training ay: February 21-22, 9:00-11:00 a.m. at 4:00-6:00 p.m; February 23, 4:00-6:00 p.m.; February 24, 10:00-11:30 a.m.; February 25, 9:00-11:00 a.m. at 4:00-6:00 p.m.; at February 26, 9:30-11:00 a.m.

Makakalaban ng Azkals sa kanilang training ang Baguio-Benguet Football Team.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.