Paghahanap sa mga Nawawala, Walang Sistema

AMINADO ANG pamahalaan na walang sistemang umiiral para matulungan ang mga kamag-anak na naghahanap ng impormasyon kaugnay ng  kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay na sinalanta

ng kalamidad.

Sinabi ni Interior Sec. Mar Roxas na kahit ngayong nasa pang-anim na araw na ang ginagawa ni-lang relief efforts, hindi pa rin nila batid ang kabuuang sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda.

“Ang katotohanan, wala pong sistema na nagtatala kung sino buhay, sino ang patay, sino ang missing. May ilang mga opisyal ng bara-barangay ang nakaka-alam nito, halimbawa sa Ormoc, sila, alam talaga nila ang bilang kasi naabot na nila ang buong 110 barangays. Ang bilang ng patay sa Ormoc is 27, ang sugatan 1,064 at ang bilang ng missing 11. Iyan, ayon sa mayor iyan,” pahayag ng kalihim.

Ayon pa kay Roxas, limitado ang kakayahan ng pamahalaan para mapabilis ang ginagawang relief efforts sa mga biktima.

“Itong araw na ito, ang aming misyon, maparating ang relief goods sa lahat ng 40 bayan dito sa lalawigan ng Leyte. So ngayon, tinodo na natin ang mga trucks sa NFA at sa lahat ng bayan, para lahat, makatikim man lang ng mga relief goods na ito,” ani Roxas.

Samantala, mahigit sa kalahating milyong katao pa ang patuloy na inaayudahan ng pamahalaan na karamihan ay nasa evacuation centers.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.