Paghahain ng Subpoena sa mga Doktor ni GMA, haharangin

WALANG NAKIKITANG BASEHAN ang mga abogado ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para ipatawag pa ang mga doktor nito sa pagpapatuloy ng oral argument ng Supreme Court, hinggil sa isyu ng pagbiyahe nito sa labas ng bansa.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nitong nakakatawa umano ang hirit ng Office of the Solicitor General at Department of Justice, dahil hindi naman aniya “trial of facts” ang gagawin sa oral argument na kailangang magprisenta pa ng mga testigo.

Sinabi pa ng abogado na ang isyu umanong nakabinbin ay kung legal o hindi ang ginawang pagpigil ng gob-yerno sa karapatan ng dating pangulo na makabiyahe.

“Katawa-tawa naman po ang gustong mangyari ng gobyerno. Simple lang naman ang isyu dito, kung legal o hindi ang watchlist order ng Department of Justice,” ani Topacio.

Nakahanda umano silang harangin ang mosyon ng Solgen kung ito ay magpapaantala lamang sa pagdinig ng SC. Kung makikita namin na ito ay magpapaantala lamang sa proceedings, ito ay aming haharangin”, dagdag pa ng abogado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.