Paghahain ng COCs, tuloy na

HANDA NA ang Commission on Elections (Comelec) para sa limang araw na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) simula ngayong araw, Oktubre 1 hanggang 5.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nagkaroon na sila ng dry run para sa inaasahang pagdagsa ng mga pulitikong kakanditao para sa national position sa Comelec Headquarters sa Intramuros.

Sinabi ni Jimenez na istrikto ang kanilang iskedyul at hanggang alas-5:00 na lang ng Biyernes, Oktubre 5 sila tatanggap ng aplikasyon.

Sa Intramuros kailangang maghain ng kandidatura ang mga tatakbong senador, habang sa local Comelec offices naman dapat magtungo ang mga ta-

takbo sa ibang posisyon.

Nabanggit din ng opisyal na plantsado na rin ang seguridad sa mga filing centers.

Pero hangga’t maaari aniya, ayaw ng Comelec na maging malaking isyu ang paghahain ng kandidatura.

Bawal sa loob ng filing center ang mga supporters ng mga kakandidato para hindi maantala ang naturang proseso, pagpapaalala ni Jimenez.

Sa Comelec Headquarters, sa ground floor ng Palacio del Gobernador gaganapin ang paghahain ng kandidatura.

Tanging mga abogado at kapamilya lamang ang hahayaang makasama ng mga kakandidato sa loob ng nasabing gusali.

Samantala, para matutukan ang filing of COCs, nabanggit ng opisyal na sinuspinde na muna ang voter registration mula ngayong araw ng Lunes hanggang Biyernes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.