Pagguho ng Bato sa Bulkang Mayon, Namataan

MALIBAN SA namataang pagbabaga sa bunganga ng Mayon Volcano sa Bicol region, nakapagtala rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tinatawag na “rockfall event” sa bulkan.

Lumalabas sa pinakahuling seismic network record, nagkaroon umano nang pagguho ng ilang tipak ng bato sa bulkan at “moderate emission” ng usok sa bunganga ng Mayon.

Sa kabila nito, nanatili pa ring nasa Alert Level 1 ang bulkan na nangangahulugang mayroong “abnormal condition” dito.

Una rito, sinabi ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta na ang kanilang mga nakikitang pagbabago sa aktibidad sa loob mismo ng bulkan ay maaring maging indikasyon sa muli nitong pagsabog.

Samantala, binanggit rin nito na ang nangyaring phreatic explosion noong Mayo 7 ang maaring isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng pagbabago sa chain reaction o sa proseso sa loob mismo ng bulkan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.