PAGGAMIT NG SARILING LENGGUWAHE, ISUSULONG

BILANG PAKIKIISA SA selebrasyon ng International Mother Language Day ay isusulong ng Department of Education (DepEd) ang Mother Tongue-Base Multilingual Education (MTB-MLE).

Ayon kay DepEd Secretary Broi. Armin Luistro, layunin ng programa na palakasin ang paggamit ng sariling lengguwahe sa pagtututro.

Sa DepEd Memorandum No. 19, series of 2011, sinuportahan ng ahensIya ang general conference ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na nagsusulong ng paggamit ng sariling lengguwahe sa pagtuturo.

“This celebration challenges us to explore more possibilities on how MTB-MLE can help our country achieve the 2015 Education for All (EFA) goals, particularly in making every child a reader. We can only achieve this if we reach, beyond the drop outs, the marginalized women and girls, child laborers, adult illiterates, indigenous peoples, children in conflict areas, and children in very isolated locations,” ani Lusitro.

Base sa pag-aaral ay mas madaling matuto ang bata kapag gumamit ang guro ng lengguwahe sa lokalidad sa pagtuturo.   (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.