Paggamit ng Pork Barrel, Suriin Bago Ibasura

MISTULANG HATI ang posisyon ng ilang kasapi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa pahayag ni incoming CBCP President Socrates Villegas na dapat ng ibasura ang pork barrel system sa bansa.

Ayon kay retired Archbishop Deogracias Iñiguez, dapat munang suriin ang pagkakagamit ng pork barrel bago desisyunan kung kailangan nang amyendahan ang batas para rito.

Sinabi ni Iñiguez na kailangang makita muna kung nagagamit sa dapat na proyekto ang perang inilalaan sa pork barrel.

Pero pabor naman si Iñiguez sa panawagan ni Bishop Villegas sa publiko na huwag ng humingi ng pera sa mga pulitiko para sa mga personal at family concerns hanggang barangay fiesta.

Una nang sinabi ni Villegas sa kanyang pastoral letter na mabuting ibasura na ng mga kongresista ang pork barrel at pagtuunan ang paggawa ng mga batas.

Samantala, naniniwala si Villegas na hindi nagagamit ang pork barrel para sa tunay nitong layunin, bagkus naging kasangkapan na ito ng mga pulitiko para mapalakas ang kapit sa kapangyarihan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.