Paggamit ng lead, ban sa ‘Pinas

IPINAGBAWAL NG bansa ang paggamit ng lead sa maraming consumer products kabilang na ang mga laruan at cosmetics.

Ito ang inihayag ng pamahalaan kamakailan, matapos ang ilang taong masugid na kampanya ng mga environmentalist.

“The chemical control order… (has) the intention of reducing unreasonable risks and injuries to people as a result of their exposure to the chemical as well as its negative impact on the environment,” pahayag ni Environment Secretary Ramon Paje.

Sakop ng nasabing ban ang maraming consumer products mula sa mga laruan at cosmetics hanggang sa water pipes, school supplies at food and drinks packaging.

Ang mga ehekutibo ng import, manufacturing, distribution o recycling firms na lalabag sa naturang kautusan ay mahaharap sa pagkakakulong ng hanggang anim na buwan sa ilalim ng toxic substances law ng Pilipinas, ayon sa DENR.

Ikinatuwa naman ng environmental groups ang ban, at hinimok ang mahigpit na pagpapatupad dito.

Ang malawakang paggamit ng lead ay nagdulot ng maraming kontaminasyon sa kapaligiran at problema sa kalusugan sa maraming bahagi ng mundo, ayon sa World Health Organization.

Naapektuhan din ng lason ang maraming organ at nagdulot ng maraming sakit sa mga umuunland na bansa, kahit na binawasan na ng ibang bansa ang paggamit nito sa petrol, paint, plumbing at solder.

Maaalala na naunang ipinagbawal ng bansa ang paggamit ng lead sa panggatong noong taong 2001.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.