PAGGAMIT NG KAMPO NI SAM PINTO KAY MARIAN RIVERA, PINAGTATAWANAN!

PAGGAMIT NG KAMPO NI SAM PINTO KAY MARIAN RIVERA, PINAGTATAWANAN!

Kung positibo ang labas ng pag-iingay ng pangalan ni Bela Padilla nang makabangga nito si Marian Rivera sa set ng Endless Love, pinagtatawanan naman ng ibang tao ang diumano’y ‘panggagamit’ kay Marian ng PBB graduate turned Kapuso actress na si Sam Pinto. May kumakalat kasing tsismis na ipinagkakalat diumano ng kampo ng baguhan na biktima rin ang dalaga sa pagtataray ni Marian Rivera. Ito naman daw ay ikinataas ng kilay at pinagtawanan ng ilang manonood. Sabi pa nga nila, taktika lang nila ito para pagtakpan ang tsikang marami ang naasar sa ‘poor acting’ ni Sam. Sey n’yo?!

PAGIGING TOMBOY NI CHAREE PINEDA SA ‘ALYNA’, NAKAKATIBO!

From Crush ng Bayan to Tomboy naman ang transition ng role na nakuha ni Charee Pineda ngayon. Kung noon ay palagi siyang dream girl ng mga boys sa TV, ngayon naman ay girl din ang hilig nito sa Precious Hearts Romances presents Alyna. Pinag-uusapan nga ngayon sa iba’t ibang forums at blogs ang kakaibang role na tinanggap ni Charee. Ayon pa sa iba, mas nag-increase daw ngayon ang numero ng mga tibong nagkakagusto ngayon sa award-winning actress. Iba raw kasi ang appeal ng mga babaeng artistang pumapayag na gampanan ang ganitong klaseng papel na walang kiyeme. Oras na siguro para pahalagaan pa ng Dos si Charee bilang aktres dahil may ibubuga talaga ito sa aktingan… ‘di tulad ng iba riyan!

EHRA AT MICHELLE MADRIGAL, NAGPATALBUGAN SA KASEKSIHAN!

Isa sa mga pantasya ng mga kalalakihan ang tinupad ngayon ng FHM Philippines para sa buwan ng Nobyembre. Ang Madrigal sisters na sina Ehra at Michelle ang makikita ngayon sa pabalat ng nasabing men’s magazine. Matagal na ring panahon nang lumabas ang dalawa sa magkaibang issue. Marami ang naaliw sa konseptong ito dahil nasa listahan ito ng bucketlist ng mga parokyano ng nasabing magazine. Hindi lang kasi basta maganda ang dalawang bebot. Pareho rin silang may ‘future’ kung ‘yun din lang ang pag-uusapan. Dapat lang alalahanin ng mga kalahi ni Adan na taken na ang dalawang bebot. Si Ehra ay in love pa rin kay DJ Myke Solomon habang nagsu-survive pa rin sa pag-ibig sina Michelle at Jon Hall.

WILLING WILLIE GIRLS ‘CONGRATULATIONS’ AT ‘PAK’, SUSPENDIDO!

Congratulations! Na-Pak at na-suspend sa Willing Willie ni Willie Revillame ang mga dancers na sina Congratulations at Pak. Ayon sa aming source, nag-away ang dalawa sa dressing room ng nasabing programa dahil nawawala diumano ang lipstick ni Pak. Nabigla na lang ang mga nakapaligid sa kanila dahil umabot sa pisikalan ang kanilang away! Napagdesisyunan ni Jay Montelibano na bigyan ng disciplinary action ang dalawa. Pareho silang suspendido kahit pa bati na sila. Girls, ‘wag ganyan. Wala kayong Christmas bonus!

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “PAGGAMIT NG KAMPO NI SAM PINTO KAY MARIAN RIVERA, PINAGTATAWANAN!

  1. kawawa naman si shalani soledad.ok naman sila ni pnoy dati umeksena lang yon liz uy nag ka hiwalay na cla ni pnoy.matagal na pala kilala ni kris si liz uy di pa presidente si pnoy bakit ngayon lang napansin ni liz uy si pnoy porke ba presidente na.may pagka oppotunista din yan liz uy na yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.