Pagdulog ng ‘Pinas sa UN, Walang Kumplikasyon

HINDI NAWAWALAN ng pag-asa ang Pilipinas na maaayos pa rin sa international tribunal ang territorial dispute sa West Philippine Sea kahit pa tumatanggi rito ang Tsina.

Sang-ayon kasi sa patakaran ng UN, hindi uusad ang territorial case kung hindi pasasailalim ang kabilang partido sa tribunal.

Una nang sinabi ng Chinese Vice Minister sa isang forum kamakalawa na habang pending pa ang settlement sa territorial dispute, dapat iwasan muna ng ibang partido o claimants ang mga hakbang na magpapalala sa tensyon.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala silang nakikitang dahilan para maging kumplikado ang sitwasyon sa pag-aakyat ng Pilipinas sa international tribunal dahil layunin nito ang payapang resolusyon.

Sinabi pa ni Lacierda na matagal na ring nakikipag-usap ang Pilipinas sa Tsina pero nagmamatigas naman ito sa kanilang ‘nine-dash-line’ theory na wala naman sa international law.

“We have been talking to each other. I mean, whenever we discuss these things, what does China say? ‘Amin ‘yan. Nine-dash line ‘yan, eh’. They have never moved back from the position of their nine-dash line theory. Every time we speak to them, they have always invoked the nine-dash line. So how does one resolve a situation where they are firm and stubborn in claiming a nine-dash line theory which does not exist in international law? And so the best venue is to go an arbitral tribunal, a third party where the rule of law and a rules-based approach to resolve the disputes can be made,” ani Lacierda.

Kung ayaw daw ng Tsina na humarap sa UN, may nakasaad naman sa Annex 7 ng UNCLOS para daanin sa compulsory arbitration ang naturang  isyu.

“The Philippines will pursue the procedures and remedies available under Annex 7 of UNCLOS to achieve the award outlined in the statement of claim. Annex 7 of UNCLOS provides for a compulsory proceeding with binding arbitration,” dagdag pa ni Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.