Pagdukot sa mga menor, pinatotohanan sa Negros Occidental

BACOLOD CITY – PINATOTOHANAN ng isang 12-anyos na menor na lalaki na may grupo ng kalalakihan na nangingidnap sa kanilang lugar.

Ayon kay Bacolod City PNP chief Sr. Supt. Ricardo dela Paz, sinamahan ng kanyang ina ang biktima na itinago sa pangalang Maman sa pulisya upang ipaalam ang kanyang sinapit.

Aniya, naglalakad siya sa Purok-A, Abkasa sa Bgy. Mandalagan dakong alas-7 ng gabi noong Biyernes nang huminto sa kanyang harapan ang isang van na may lulang dalawang lalaki na naka-bonnet.

Ilang saglit pa ay nakatulog siya at nang magising ay nasa loob na siya ng van katabi ang dalawang lalaki.

Hindi aniya siya nagpahalata na nagising na siya at nang bumaba ang dalawang lalaki para bumili ng pagkain ay sinamantala niya ang pagtakas at nang may makasalubong na tao ay humingi ng tulong.

Agad namang tumakas ang mga lalaki nang makitang may kausap na ibang tao ang bata.

Magugunitang laganap ang kidnapping sa mga paslit sa Metro Manila, kung saan sinasabing kinukuha ang laman-loob ng mga ito, habang may mga kuwento pang natagpuan ng isang ina ang kanilang anak na patay na, kung saan sa loob nito ay may P10,000 na tila kabayaran sa kinuhang organ ng bata.

Samantala, sinabi ni dela Paz na isolated ang kaso na idinulog sa kanila at tiniyak na gagawa ng imbestigasyon hinggil dito. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.