Pagdinig sa mosyon ng Comelec vs CGMA, iniurong

 

KASALUKUYANG INIU-RONG ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 ang pagdinig sa inihaing motion for reconsideration (MR) ng Commission on Elections (Comelec) laban sa pagpayag ng korte upang makapagpiyansa si da-ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kasong electoral sabotage.

Sa pagdinig sa sala ni Judge Jesus Mupas, sinabi ni Atty. Ray Montri Santos, isa sa mga abogado ni Ginang Arroyo na ngayong umaga lang nila natanggap ang kopya ng mosyon ng Comelec.

Aminado naman si Comelec lawyer Esmeralda Lagra na sa pamamagitan lamang ng registered mail nila ipinadala sa kampo ng dating pangulo ang kopya ng kanilang petisyon.

Dahil dito, binigyan ni Mupas ng limang araw ang kampo ng dating pangulo para makapagkomento sa hirit ng Comelec.

Sa ngayon, itinakda ng korte ang pagdinig sa MR sa Agosto 10, alas-9 ng umaga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.