Pagdami ng Iligal na Droga at Sugal sa Maynila, Pinangangambahan ng mga Residente

HINDI MAPIGILANG pagdami ng mga drug pusher at usher at operasyon ng iba’t ibang uri ng sugal ang kinatatakutan ngayon ng mga residente ng district 2 ng lungsod ng Maynila.

Sa kabila ng mga reklamo na ipinupukol ng mga residente sa lugar ng Solis, Manuguit at Barrio Obrero laban sa mga nabanggit bisyo, tila wala umanong pakiramdam si Manila Mayor Alfredo Lim at Sub-Station 7 commander Supt. Rodirick Mariano para masolusyunan ang mga nabanggit na iligal.

Nagkalat sa mga nasabing lugar ang mga drug addict at pusher na umano ay ginagawang gatasan ng mga pulis sa Station 7 na matatagpaun sa kahabaan ng Jose Abad Santos, Maynila.

Kapag umano walang panglagay ang mga pusher at user ay tiyakang mabubulok sa loob ng kulungan at kung mayroon naman ay agarang makalalaya.

Ayon sa mga dismayadong residente, halos hindi sila makatulog sa gabi sa dahilang mga naglipana na sa kalsada ang mga hayok sa droga gayun din ang mga nagbebenta ng ipinagbaba-wal na droga.

“Ang mga pusher at usher ay kahalintulad ng mga bampira, sa araw ay mga tulog at sa gabi naman, mga gising kaya nababahala kami na baka dumating ang sandali na ang kanilang mga anak at asawa ay matututo nang magdroga,” nagkakaisang sinabi ng mga residente.

Nagkalat din sa mga naturang lugar ang mga iligal na bookies (karera ng kabayo), operasyon ng jueteng at mga video karera machine na ino-operate umano ng ilang maimpluwensiyang tao at ilang ding miyembro ng kapulisan ng Manila’s Finest.

Dahil dito, tinatawagan ng pansin ng mga residente si Mayor Lim at Supt. Mariano na gawan ng kaukulang aksiyon ang mga nabanggit na iligal na operasyon.

Wika pa ng mga residente, huwag sana umanong tutulog-tulog sa pansitan sina Mayor Lim at Supt. Mariano.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.