Pagdami ng fish cages, banta sa kabuhayan ng mamamayan

DAHIL SA pagdami ng bi-lang nga mga nagsulputan na fish cages, agad nagbabala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa posibilidad na magkaroon ng “fishkill” sa bayan ng Sual.

Sinabi ni Pangasinan Governor Amado Espino, Jr., marami na ang mga ipinatayong fish cages sa paligid ng Sual Powerplant na posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa nabanggit na lugar.

Labis na naalarma ang gobernador sa masamang dulot  nito sa kalikasan maging sa kabuhayan ng mga residente malapit sa lugar.

Bunsod nito’y nanawagan si Gov.Espino sa mga local governent unit na dapat ma-regulate ang nabanggit na problema katuwang ang provincial government at ang iba pang ahensiya upang agad magawan ng kaukulang solusyon.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.