Pagbuhay sa BNPP, Inurong

IDINEKLARA NA ANG moratorium sa Mababang  Kapulungan ng Kongreso sa panukalang muling pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Morong, Bataan noong Lunes ng hapon.

Ito ang inihayag ni dating 5th district Representative Mark Cojuangco matapos nilang mapagpasyahan ng kanyang asawang si Representative Kimi Cojuangco na kasalukuyan namang kinatawan ng nasabing distrito na kanilang iuurong pansamantala ang isinulong na panukala hinggil sa pagbuhay sa BNPP.

Sa ginanap na press conference, hangga’t wala pang malinaw at credible na report hinggil sa Japan Nuclear Power Plant na napuruhan sa pagsalanta ng Tsunami noong Biyernes, Marso 11, ay hindi pa siya makapagpasya kung ito ay kanilang iuurong ng tuluyan o ipagpapatuloy ang pagsusulong ng kanilang panukalang muling buhayin ang BNPP, ayon kay Cojuangco.

Ang magiging basehan ng kanyang pagpapasya sa pagbuhay sa BNPP ay ang impormasyon at pag-aanalisa sa naging epekto ng Tsunami sa Japan Nuclear Power Plant. Ani pa rin ni Cojuangco.

Naniniwala si Cojuangco na mas  maganda at ligtas  ang  BNPP kaysa  nuclear power  plant sa Japan  dahil kung ikukumpara ito kaysa sa Fukushima NPP ay mas ligtas ang nauna dahil dinisenyo pa ito noong late ‘70s at early 80s samantalang ang sa Japan ay late 60s at early 70s pa dinisenyo.

Tiniyak din ng dating solon na ang BNPP ay ligtas sa anumang kinatatakutang radiation leak dahil nasa loob  ang containtment building nito.

Inihayag din ng kongresita ang kahalagahan ng BNPP sa kabila ng pagkakaroon ng mga renewable power  energy sa bansa dahil pumapatak sa P60 plus per kilowatt hour pa rin ang singil sa kuryente samantalang kung nuclear power ang pagkukunan ng enerhiya ay mahigit P2.50 per kilowatt hour lang ang magiging whole sale  price nito.

(Mark Atienza)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.