Pagbubulgar ni Cruz sa Jueteng Payola, Malaking Hamon kay P-Noy

MALAKING HAMON UMANO sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino ang rebelasyon ni retired Archbishop Oscar Cruz para tuluyang mawakasan ang matagal nang problema sa Jueteng na pangunahing pinanggagalingan ng kurapsyon sa gobyerno, ayon sa isang obispo sa Pampanga.

Sa pahayag ni Pampanga Auxiliary Bishop Pablo David sa Radio Veritas noong Lunes, suportado rin ng mga Catholic bishops si Cruz, matapos na isiwalat ng huli ang pagkakaugnay sa Jueteng ng ilan sa mga opisyales ni P-Noy.

“The police would tell us that there is no Jueteng in the province and that what we are seeing is STL,” ayon kay David.

Inamin din ni David na dismayado ito sa ginagawang aksiyon ng administrasyong Aquino sa nasabing isyu.

Tulad ni Cruz, pinuno ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng, hindi susuko ang simbahan sa malawakang kampanya laban sa iligal na Jueteng sa bansa, ayon pa rin kay David.

“We never stopped up to the point that people laugh at us for sounding like a broken record,” ani ng obispo.

Patuloy pa rin ang operasyon ng Jueteng sa mga lalawigan ayon naman kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles.

“We believe that from the very beginning, the government does not want to admit that STL is a camouflaged Jueteng,” pahayag ni Arguelles.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.