Pagbubukas ng Sir Boy’s Food Republique, dinaluhan ng mga bigating pangalan sa pulitika at media

SAAN KA makaka-hanap ng isang lugar kung saan puwedeng magsama-sama ang mga bigating pangalan sa pulitika at media? Saan pa kundi sa Sir Boy’s Food Republique. Sir Boy’s Food Republique is home to one of the best home cooked Filipino cuisine.

Nagkaroon ng grand opening ang Sir Boy’s Food Republique noong November 8 ng nakaraang taon.

Sina House Speaker Sonny Belmonte, QC Mayor Herbert Bautista, QC Vice Mayor Joy Belmonte, at Brgy Captain Leopoldo Tiamzon ang pormal na nagbukas ng Food Republique with the ceremonial cutting of the ribbon.

Mr. Boy So is so well-loved by celebrities kaya hindi kataka-taka na dumalo sa bonggang pagtitipon ang mga kilalang personalidad. Among the well-wishers ay sina Sitti, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Tintin Bersola, Julius Babao, Phoemela Baranda, K Brosas, Laarni Lozada, Hansen Nichols, K-La Rivera, Direk GB Sampedro, Kim Idol, Triz Reyes, Erik Santos, Faith Cuneta, Diana Zubiri, Dagul, at Kiray. I am the endorser of Food Republique.

Pagmamay-ari ni Mr. Boy So ng La Carmela de Boracay Resort Hotel, ang Sir Boy’s Food Republique ay isa sa limang restaurants sa ilalim ng La Carmela Group. Ang Sir Boy’s Food Republique ay may pagkaing lutong-bahay tulad ng adobo, kare-kare, mechado, Bicol express, tinola, sisig, bulalo, crispy pata, kaldereta, puchero, dinuguan, paksiw, nilaga, sinigang at marami pang iba. Mura na masarap pa.

Unique ang Sir Boy’s Food Republique dahil paiba-iba ang menu nito araw-araw. Hindi magtatagal at ang Sir Boy’s Food Republique ay mag o-offer kada buwan ng iba’t ibang regional food tulad ng Ilocano, Kabalen, Ilonggo, Waray, at iba pa.

Pinaka-attraction ng Sir Boy’s Food Republique ay ang buffet at 99 pesos from 10am to 10pm (99-10-10). At hindi lang ‘yan. Sa Food Republique, meron ding Dimsum Boy (pork siomai, chicken feet, kutchay dumpling, spare ribs, wanton noodles), Sir Boy’s BBQ (pork and chicken BBQ, Bam-i), Sweet Boy (all cakes and pastries), and Sir Boy’s Dampa (fresh seafood cooked either grilled or with soup (sinigang based) sa murang halaga! Hindi kasama ang mga ibang food outlet na ito sa eat all you can buffet.

Ang Sir Boy’s Food Republique ay matatagpuan sa No. 29 Panay Avenue cor. near Roces Street, Quezon City. Malapit din ito sa Capitol Medical Center. Para sa mga inquiries at reservations, maaaring tumawag sa (0917) 638-8003 or 227-0300.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Pagbubukas ng Sir Boy’s Food Republique, dinaluhan ng mga bigating pangalan sa pulitika at media

  1. It was the worst buffet I had ever…

    We ate there just now and found their buffet, for lack of a better term – A TOTAL RIP-OFF!! Not so many food selection (cold rice and one each noodle, pork, veggie, chicken and fish item). Food was hastily prepared and almost taste-less. Dessert is a big let-down, it consist only of (not-ripe-yet) melon and an amalgam of sago/gulaman with cream and pinipig. And it really doesnt’ cost 99 pesos per head because they will add tax of which you have to shell out another 23 pesos. Much better if you will just eat at your local Jolibbee if you have to pay that much.

    Stay away from this place to spare yourself from bland and hastily prepared food that is not even worth 50 pesos in my opinion. I would rather have a Jolibbee yumburger over such kind of food anytime.

  2. Sinigang sa bayabas ? Yummy. Matagal na akong hindi nakakatikim ng sinigang sa bayabas. Mahal kasi ang bayabas rito. $2.99- $3.99 per lb. Dalawang maliliit lang, one lb na. Merong bayabas na mura rito. Nakalagay sa packet. Meron pang libreng MSG. Allergic ako sa vetsin. Sayang. . .

  3. Sasabihin ko sanang ordinaryo ang pagkain pero I am impressed with the 99 pesos buffet prize at may dimsum din. Sold. . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.