Pagbubukas ng 2012 Bar Exams, Mapayapa

NAGING MAPAYAPA ang pagbubukas ng 2012 bar examinations sa University of Sto. Tomas (UST), España, Maynila kahapon, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, 30 kapulisan ang ipinakalat sa paligid ng nasabing unibersidad para sa taunang bar exams.

Eksaktong alas-8 ng umaga nang nag-umpisa ang taunang bar examinations.

Tinatayang umabot sa 5,686 na law graduates ang kumuha ng bar exams, na bahagyang mas mababa sa 6,200 na kumuha ng bar noong taong 2011.

Una nang pinaigting ang seguridad sa paligid ng UST para hindi na maulit ang nangyaring pagsabog noong 2010 bar examinations sa De La Salle University (DLSU)-Taft.

Samantala, nagpalabas na rin ng Executive Order ang pamahalaang lungsod ng Maynila na nagbabawal sa pagbebenta o pamamahagi ng beer at iba pang uri ng alak, simula kahapon ng alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-8 ng gabi sa loob ng 200 metro mula sa pader ng UST sa kahabaan ng España, Lacson Avenue, Dapitan Street at P. Noval Street.

Pagmumultahin naman ng P200 o posibleng makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang lalabag sa nasabing batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.