Pagbisita ng Japanese PM sa ‘Pinas, Walang Kinalaman sa Agawan ng Teritoryo

NILINAW NI Japanese Prime Minister Shinzo Abe na walang kinalaman sa isyu ng territorial dispute ang pagbisita niya sa bansa.

Ito ay sa gitna ng pagtatanong ng ilang foreign correspondent na nagsasabing usapin ng territorial dispute ang motibo nito sa papunta sa Pilipinas.

Sinabi ni Japanese Prime Minister na bilateral meeting lamang kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang dahilan ng kanyang pagbisita.

Samantala, iginiit ni Shinzo na pagpapatibay lamang ng alyansa sa pagitan ng Japan at Pilipinas at walang kinalaman sa agawan ng teritoryo ang motibo ng kanyang pagdalaw sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.