Pagbili ng Dagdag na Suplay ng Kuryente sa Zamboanga, Pinahintulutan ng ERC

BINIGYAN NA ng Energy Regulation Commission (ERC) ng provisional authority ang Zamboanga City Electric Cooperative, Inc. (ZAMCELCO) para makabili ng karagdagang kuryente sa isang independent power provider.

Ibinigay kamakailan ng ERC ang provisional authority kasunod ng request ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City.

Magsasagawa sana ng public hearing para sa power supply agreement ng Mapalad Power Corporation ang ERC sa Mayo 14 pagkatapos ng eleksyon bago sana ibigay ang authority.

Kasunod nito, nangako naman ang National Telecommunications Commission (NTC) na magbibigay ng 18 mega watts na kuryente simula Mayo 13.

Sinabi ni Nuclear Energy Agency (NEA) Project Supervisor Sherwin Manyada na mababawasan ng halos dalawang oras ang blockout sa Zamboanga City pero hindi naman nito sinabi kung magkano ang itataas sa electric bill ng mga ordinaryong consumers.

Samantala, umaabot sa anim hanggang walong oras ang blockout sa Zamboanga City sa isang araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.