Pagbihag ng Syrian Rebels sa Pinoy Peacekeepers, Kinondena ng UN

KINONDENA NG United Nations ang pagbihag ng Syrian rebels sa 21 sundalong Pinoy na bahagi ng UN peacekeepers sa Golan Heights.

Inihirit ng United Nations Security Council ang agaran at unconditional release sa mga Filipino  peacekeepers.

Ayon kay Russian Ambassador to UN Vitaly Churckin na siyang umuupong presidente ng UN Security Council ngayong buwan, nakikipag-ugnayan na sila sa mga dinukot na Pinoy at sa bumihag sa mga ito.

Sinabi ni UN peacekeeping chief Herve Ladsous na nagbigay ng closed door briefing sa Security Council na ang grupong dumukot sa mga biktima ay konektado umado sa armadong oposisyon sa  Syria.

Inihayag din ni Churckin na wala namang nangyaring palitan ng putok.

Inagaw lang ng mga rebelde ang truck na sinasakyan ng peacekeepers.

“They are there on a completely different mission so there is no reason at all under any circumstances, any kind of sick imagination to try to harm those people,” dagdag pa ng Russian ambassador.

Maging si UN Secretary General Ban Ki-moon ay kinondena rin ang ginawa sa 21 peacekeepers, ayon kay UN deputy spokesman Eduardo del Buey.

Samantala, sinabi naman ni  Del Buey na nasa gitna ng regular supply mission ang peacekeepers nang hinarang ng 30 mga armadong rebelde.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.