Pagbibitiw ng Santo Papa, Ikinagulat ng CBCP;
Cardinal Tagle, Posibleng Pumalit

IKINAGULAT NG Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang gagawing pagbibitiw ni Pope Benedict XVI sa Pebrero 28.

Ayon kay CBCP Executive Secretary Fr. Francis Lucas, walang mag-aakalang magbibitiw ang Santo Papa dahil matagal nang walang nagbibitiw na lider ng Simbahang Katolika at karaniwang pinapalitan ito kung pumanaw na.

Gayunman, tanggap aniya ng CBCP ang desisyon ng Santo Papa lalo’t mabigat ang ginawang pagdede-sisyon nito sa harap ng ka-

nyang kalusugan.

Kasunod aniya ng pagbibitiw ng Santo Papa, mainam na magkaroon ng total reflection ang mga Katoliko at hilingin din sa Panginoon ang gabay sa tamang direksyon.

Samantala, sinabi ni Lucas na kasunod ng pagbibitiw ni Pope Benedict XVI ay magluluklok ang mga cardinal ng bagong kapalit nito.

Makakasama aniya sa mga pagpipilian si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Lucas na posibleng umabot sa 118 ang makasama sa botohan at two-thirds ang dapat makuhang boto para maluklok na bagong Santo Papa.

Samantala, minsan aniya, sorpresa ang nananalo sa nasabing botohan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.