Pagbawi sa Sanctions Kontra OFWs, Depende sa Hakbang ng ‘Pinas-Taiwan

NAKASALALAY LAMANG umano sa gobyerno ng Pilipinas kung kailan magtatagal ang “freeze hiring” ng Taiwanese government laban sa mga overseas Filipino workers.

Ayon kay Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) director Andrew Tung-heng Lin, naghihintay lamang sila nang “positive response” mula sa pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa kaso ng pagkasawi ng isang Taiwanese national sa bahagi ng Balintang Channel.

Tiniyak pa ng opisyal na kaagad umano nilang babawiin ang ipinataw na sanctions laban sa mga OFWs kapag natugunan ng Pilipinas ang kanilang demand.

Samantala, bagama’t matagal nang natapos ng National Bureau of Investigation ang isinagawang imbestigasyon pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa ang kanilang rekomendasyon sa Palasyo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.