Pagbasura sa kaso ni Ex-DoJ Sec. Perez, kinatigan ng SC

PINAGTIBAY NG Supreme Court ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong robbery laban kay dating Justice Secretary Hernando Perez at tatlong iba pa.

Base sa pitong-pahinang resolusyon ng First Division na isinulat ni Associate Justice Lucas Bersamin, ibinasura ang petition for certiorari ng estado dahil sa kawalan ng merito.

Lumalabas sa nasabing desisyon, kasalanan ng Ombudsman kaya na-dismiss ang kaso laban sa mga respondent dahil sa tagal ng isinagawa nilang pagsisiyasat na umabot ng mahigit limang taon bago nakapagsampa ng kaso.

Binigyang-diin ng SC ang kahalagahan ng constitutional right para sa mabilis na paglutas ng kaso.

Nag-ugat ang natu-rang kaso sa talumpati ni dating Bulacan Representative Wilfrido Villarama noong Nov. 12, 2002 na kumokondena sa pangingikil ng isang mataas na opisyal ng ehekutibo na tinawag niyang “2 Million Dollar Man”.

Kabilang naman sa sumang-ayon sa resolusyon ng Korte Suprema ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Martin Villarama Jr. at Bienvenido Reyes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.