Pagbaril sa Sarili, Aksidente Lang – Benaldo

AKSIDENTE ANG pagkakabaril ni dating Cagayan De Oro Rep. Benjamin “Benjo” Benaldo sa kanyang sarili noong Hunyo 27 sa opisina sa Kamara.

Ito ang iginiit ni Benaldo sa kanyang unang pagharap sa media matapos lumabas ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Tumanggi nang magbigay ng ibang detalye ang dating mambabatas sa press conference pero malinaw na nakasaad sa kanyang opisyal na pahayag na, “Let me share for the record that what happened in my office in the House of the Representatives in the evening of June 27, 2013 which very nearly took my life was a pure accident.”

Wala rin anyang kinalaman dito ang misis niyang Brazilian model na si Daiana Menezes.

Nagpasalamat din ang dating kongresista sa mga staff at doktor na naging maagap upang maligtas ang kanyang buhay, gayundin sa suporta ng asawa, pamilya at mga constituent.

Labis anya ang kanyang naging panalangin sa Diyos para mabuhay.

Samantala, nakapaloob din sa official statement ang adbokasiya ni Benaldo sa pagtulong sa mga mamamayan na makakuha ng refund sa labis na singil ng mga electric company na una na niyang nagawa sa mga kababayan sa CDO.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.