Pagbalik umano ni Mark Anthony sa bisyo, pinabulaanan ng Siyete! – Mell Navarro

OFF-LIMITS DAW ang press people sa pagbisita sa set ng ginagawang filmfest entry nina Krista Ranillo and Manny Pacquiao, ang Wapakman, as in bawal bumista ang media sa shooting.

Ito raw ang mahigpit na bilin ng mga bida at kani-kanilang management company sa produksiyon na hindi welcome sa set ang writers and photographers, especially.

Nag-deny na si Manny sa isyung “kalaguyo” nito si Krista, mereseng ang daming nagpapatunay na nagkaroon sila ng romantic involvement with those pics and videos at pag-iyak ni Jinkee Pacquiao sa USA na sabi’y dahil hindi nito kinaya ang intriga.

Sa pagdating ni Krista sa airport galing Tate recently, matagumpay rin siyang naipuslit umano ng certain airport personnel na si Angel Atutubo sa dami ng media na nag-aabang sa main lobby ng NAIA. May nakausap pa nga kaming TV crew na as early as 3 or 4 A.M. ay andu’n na sila, pero namuti na’ng mga mata nila’y walang Krista na dumaan sa harapan nila.

May info pa raw sa airport na delayed lang ang flight ng oras pero that day rin. ‘Yun pala’y 6:50 A.M. nga dumating ang PAL PR 103 flight ng eroplano, and used a separate exit.

Ang tanong, hanggang kailan magtatago o iiwas sa press si Krista? Hindi rin ba ito magpo-promote ng movie? On the other hand, respetuhin na lang siguro natin kung wiz talaga niya feel magsalita, huh!

MARIING PINABULAANAN NG GMA-7 ang intrigang bumalik si Mark Anthony Fernandez sa masamang bisyo. Kahit kami’y nag-text personally kay Mark and wala naman daw itong katotohanan. Nasa taping lang siya that time kaya naghahanap pa siya ng time na makatawag sa amin, hanggang sa maging busy na rin kami’t hindi na namin na-follow up ang pag-text sa aktor.

Pero mabilis ngang nagparating ng official statement ang Kapuso network, kung saan exclusive artist si Mark, denying the news. Ayon sa Siyete, mas pinaikli na lang ang role ni Mark sa Book 2 ng Darna upang magpahinga at maghanda ito for his next projects – isang bagong teleserye at isang pelikula from GMA Films (malamang tie-up with Viva Films).

Narito ang official statement ng GMA: “GMA Network would like to assure the fans and followers of Mark Anthony Fernandez that there is no truth to the rumor that he is into any kind of drugs.

“His role though in the top-rating program Darna will be a bit shorter than originally planned to give way to Mark Anthony’s upcoming projects.

“This decision was mutually agreed upon by the Kapuso artist and the network’s entertainment executives to give him time to rest and prepare for his movie and his new GMA program which will start taping in January 2010.”

Ayon sa tsika, isang TV project with Claudine Barretto ang inihahanda ng Siyete for Mark, pero ayaw pa itong kumpirmahin ni Veronique del Rosario-Corpus ng Viva, ang bagong manager ni Claudine, dahil magmi-meeting pa sila.

NAKAKA-TOUCH NAMAN ANG muntik nang pag-iyak ni Derek Ramsay sa Entertainment Live! last Saturday nang i-celebrate nito ang kanyang birthday.

Sa VTR interview ng kanyang mga magulang, sapul sa puso si Derek nang sinabi ng parents nito na sana’y magka-time raw silang magkakapamilya to bond together, dahil super busy nga ang guwapong hunk sa shooting ng I Love You Goodbye na first film together with girlfriend Angelica Panganiban, filmfest entry ng Star Cinema, bukod pa sa TV shows and endorsements.

Teary-eyed at halatang pinigilan lang ni Derek ang pag-iyak sa kanyang reaction sa napanood na VTR ng parents. He then promised that he will find time to be with them soon.

Belated happy birthday, Derek!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

5 thoughts on “Pagbalik umano ni Mark Anthony sa bisyo, pinabulaanan ng Siyete! – Mell Navarro

  1. Wag ng siraan si Mark Anthony para lang itago ang tunay na dahilan ng pag alis ni Mark sa Darna. Alam yan ng mga crew ng show!!!! yun lang..

Leave a Reply

Your email address will not be published.