Pagbalik ni Willie Revillame sa Wowowee, haka-haka lang!

SO, BABALIK NA ba talaga si Willie Revillame sa Wowowee? Ito’y isang ispekulasyon lamang, sabi ng head ng Corporate PR ng ABS-CBN na si Bong Osorio, dahil wala pa raw konkretong napag-uusapan ang panig ni Willie Revillame at ng management.

Pero kung sakaling babalik, ang kundisyon ni Willie – daw, ha? – ay tanggalin sina Mariel Rodriguez at Pokwang.

At ang latest namang nasagap namin: kung sakali ngang bumalik si Willie, hindi aalis sina Mariel at Pokie hangga’t hindi sila pinatatanggal ni Willie.

Well, ‘yan ay aalamin namin sa dalawang “posteng” co-host sa Wowowee.

SA PREMIERE NIGHT ng Cinco, guwapo pa rin si Zanjoe Marudo, pero haggardness lang nang konti. Meron kayang pinoproblema sa puso si Zanjoe, kaya medyo “laglag” ang hitsura niya that night?

Mabuti na lang, nakabawi siya, dahil mahusay ang pagkakaganap niya sa “Puso” episode nila ni Pokwang.

BININYAGAN NA KAHAPON (Sunday) at 4 pm sa Christ The King Greenmeadows si Xonia Aitana Paz Contis. Siyempre, ninong ang yours truly, kaya may-I-attend. Or else, isusumpa kami ni Paolo Contis. Me sumpa factor.

“Lukang-luka” si Paolo sa kanyang anak. Panay rin ang hingi niya sa amin ng tips, dahil kami’y beterano nang ama sa apat na anak na babae.

Buti nga, hindi nagseselos si Lian sa anak niya, eh.

“Hindi bale, have naman siya ng tienes pag kami na lang,” baklang-baklang sey ni Paolo.

NGAYONG GABI NA sa Megamall Cinema 10 ang premiere ng Hating Kapatid nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

Base sa mga nakukuha naming feedback mula sa mga kaibigang reporter, trailer pa lang ay nakaaaliw na ang pelikulang showing na sa July 21, lalo na’t kasama ang “Gay Icon” na si Vice Ganda na kinaiinsekyuran na ng ilang baklang imbes na natutuwa dahil may “kapatid” silang umaalagwa ang karir, eh, parang hindi nila feel.

Pasasaan ba’t mare-realize din nila na “pride” nila ang isang Vice Ganda.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleJames Yap, nagmumukha nang kawawa
Next articleRobin Padilla at Mariel Rodriguez, ‘di na maitago ang relasyon

No posts to display