Pagbalik Ng Jueteng, Ikinairita Ng Baguio ‘Lord’

IKINAIRITA NI BAGUIO City Mayor Mauricio Domogan ang umano’y muling pagsigla ng Jueteng sa lungsod. Nauna nang pina-ngalanan si Mayor Domogon sa isang Se-nate hearing bilang ‘Jueteng Lord’.

Upang may mapatunayan, inutusan ni Domogan ang Baguio City police, ang mga opisyal ng anti-illegal gambling Task Force Jupiter, at ang Public Order and Safety Division na tugisin ang isang nagngangalang “Boy Rusco” na umano’y ginagamit ang kanyang pangalan sa operasyon ng Jueteng.

Ang operasyon umano ni Boy Rusco sa Baguio, kasama umano ang isang dating empleyado ng Jueteng na nagngangalang Elmer Saingan, ay nagsimula noong Biyernes ng nakaraang linggo gamit ang ‘guerilla operation’ kung saan ginagawa umano ng pagbola sa umaandar na sasakyan, may ilan ding ‘tayaan’ sa kalapit na La Trinidad, Benguet.

Patuloy na itinatanggi ni Domogan ang anumang pagkakasangkot sa operasyon ng Jueteng sa lungsod, at nitong Marso 28, inatasan niya ang kapulisan sa kanyang memorandum “to intensify campaign to immediately curb the operations of the illegal numbers game which we never authorized consistent with our anti-gambling policy.”

Ginagamit umano ni Rusco ang opisina ni Domogan na siyang nagbigay ng ‘go signal’ para sa operasyon nito ng Jueteng sa lungsod ng Baguio. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.