Pagbalik kay Napoles sa ordinaryong kulungan, suportado ng Kamara

SUPORTADO NG mga mambabatas sa Kamara ang panawagan na ibalik na sa ordinaryong piitan ang tinaguriang reynan ng PDAF scandal na si Janet Lim-Napoles.

Nagkakaisa sina Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na panahon na para alisin sa Fort Sto. Domingo si Napoles at isama sa iba pang preso.

Sinabi ni Fariñas na wala ng batayan ang katwirang security concern sa pagpiit kay Napoles dahil pinangangalandakan naman nito na siya ay inosente kaya walang pagmumulan ng banta sa buhay.

Kung nakikipagnego-sasyon umano ang pamahalaan kay Napoles para ma-

ging state witness ito ay dapat nang magdesisyon ang mga otoridad kung isasailalim ito sa witness protection program (WPP).

Pero kung hindi, kai-langan na itong maiparehas sa ibang akusado na hindi pinagpiyansa ng korte na nakakulong sa regular na bilangguan habang nililitis ang kanilang kinakaharap na demanda.

Inihayag pa ni Tugna na kapag inilipat na si Napoles sa ordinaryong kulungan ay kailangan pa ding higpitan ang seguridad at samahan ng iilang kapwa bilanggo sa selda.

Sa ganitong paraan ay mas sigurado umanong ligtas ito at mananagot sa nasabing scam.

Bagama’t pabor naman na mailipat si Napoles, nakadepende pa rin ito sa desisyon ng korte, ani Evardone.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.