Pagbaklas sa Poster ng Team Patay, Pinapa-TRO

HUMILING NG petition for certiorari with the application for issuance of injunction o temprorary restraining order (TRO) sa Supreme Court (SC) ang Diocese of Bacolod kaugnay sa pagpapatanggal sa kanila ng Commission on Elections (Comelec) ng giant poster ng “team patay” at “team buhay” sa San Sebastian Cathedral.

Sinabi ni Atty. Ralph Sarmiento na isa sa mga legal counsel ng diocese, dalawang constitutional ground ang kanilang basehan sa pagsampa ng petition kasunod ng kautusan ng Comelec.

Ito ay ang freedom of expression at ang separation of church and state.

Samantala, ikinatuwiran ni Sarmiento na bilang isang pribado sektor, may karapatan ang simbahan sa freedom of expression at hindi rin maaring pigilan ng estado.

Tinanong naman nito ang Comelec kung ano ang kanilang basehan upang sabihin na may paglabag na nagawa ang simbahan sa paglagay ng nasabing poster.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.