Monday 20 May 2013

Pagbagsak ng SOP, repleksiyon ng artist center ng Siyete?!

SIMULA PA LANG ng final telecast ng SOP sa GMA-7 noong Linggo, pinipigilan na nina Regine Velasquez at Jaya ang maiyak. Actually, naaawa kami sa major artists na kasama sa show na tumakbo sa ere ng maraming taon. Kahit nga may paglalagyan din naman sa kanila, hindi kagandahan ang impresyong maiiwan sa kanila ng pagbagsak ng isang show na sila ang nagdala. Magre-reflect din sa kanila kung bakit nag-fail ito.

Tama ang sinabi ni Regine na ang kumpetisyon sa ratings noon between SOP and ABS-CBN’s ASAP was some kind of a see-saw thing. May times na rumaratsada ang sa Dos, may times na Siyete ang nangunguna. Pero obviously, ang masasabi lang namin, ang magtatagal sa ere ay yaong talagang mas mataas ang kalidad, ‘yung ‘pag pinanood mo ay sadyang mamamangha ka dahil hagip ang pulso ng makabagong manonood, at mayroon pa ring appeal doon sa mga dating tumatangkilik nito.

‘Yun ang ASAP na nag-evolve through the years. Ito ang sa tingin namin ay kakulangan ng SOP. Hindi namin natatagalang panoorin ang SOP, dahil wala itong appeal sa amin, although humahanga rin kami sa talento nina Regine, Jaya, Janno Gibbs at Ogie Alcasid. Would you believe? Pinag-aksayahan namin ng panahon ang last telecast ng SOP, dahil na-curious lang kami kung paano ito magpapaalam, kahit inaasahan naming hindi na rin magtatagal ang show.

[ad#ad-text-links-1]

GMA-7 should do a lot of reassessment as far as their programming is concerned. Ang kanilang SiS na nagpadapa sa maraming morning talk shows noon sa kalabang network ay inilampaso nang todo ng Showtime na nag-introduce ng makabagong konsepto sa ganoong timeslot, hanggang sa tuluyan itong isinara. Tapos, ito namang SOP na flag-carrier nila sa musical variety ay dinurog ng ASAP XV na talagang world-class ang appeal at walang dudang mas nakaeengganyong panoorin, dahilan para hindi makaagapay ang Kapuso network sa kumpetisyon.

Kulang na kulang sa sikat na talento ang GMA-7 sa musical-variety genre. Nasaan na ang homegrown talents nilang nakapanghihinayang na napasikat naman nila kahit paano, pero parang hindi na-sustain. There’s something wrong on how they are being built up. Nabuntis lang si Jennylyn Mercado, parang napabayaan na ‘yung aspetong singer siya, first and foremost. Ganoon din si Yasmien Kurdi na napakaganda ng boses, pero ano na ang nangyari?

We’re just citing examples na kung tutuusin, nakatulong sa GMA-7 ang tamang pagbi-build up sana ng kanilang talents, pero dumaraan ang panahon na naglalaho na lang ang ningning ng mga ito dahil sa kapabayaan.

Sa Dos, dinebelop nila si Piolo Pascual na hindi naman kilalang singer, pero naka-establish ng pangalan as a musical star. Ganoon din si Sam Milby, na nakagugulat, from being a rock star, nag-transform into a leading man, at kung minsan, napapanood pa sa ASAP XV na nagsasayaw. Sa GMA-7, ano na ang nangyari sa pagkanta-kanta ni Dingdong Dantes? Lalo naman si Dennis Trillo? Nagsimua sila ng build-up para gawing recording or musical artists ang mga ito, pero hindi naman napanindigan.

Lalo naman ‘yung sandamakmak na dini-discover nila for any reality talent search, na hindi pa man nasisilayan ang kasikatan ay pinanawan na ng ningning. Classic examples sina Jonalyn Viray, Gerald Santos, at kung sinu-sino pa.

Calm Ever
Archie de Calma

Poll:  Sinu-sino nga bang SOP hosts ang dapat i-retain sa Party Pilipinas? SAGOT NA!

Related posts:

About the Author

has written 29 stories on this site.

81 Responses to “Pagbagsak ng SOP, repleksiyon ng artist center ng Siyete?!”

  1. trina says:

    sana masanay pa ako sasusunod  na araw 

  2. lane says:

    pag nanalo si villar pati sundays may wowowee na aalisin natin ang asap

  3. villar ako tunay na mahirap says:

    nakaka iyak pag kumakanta na si villar ng ikaw na nga tapos sasabayan pa ni willie dbest parang jaya at regine na magka duet

  4. ows says:

    oo puro remake lng nmn ang SOP at lahat ng palabas nila gaya gaya.. buti nga.. sa susunod eat bulaga na ang mawawala hahahhaha.. lubog na kau GMA.. wlang kwenta ang shows nila… kung sabagy panu ba nmn magkakaron ng kwenta ulti mong ung boss nila c wilma galvante wla rin kwenta lage na lng my kaso… hay wawa nmn ang KAPUSO…

  5. lulay says:

    wla nb sop hehehe sori d kc q kapuso wahahahah

  6. Ces B. Rey says:

    SOP hasn’t evolve; its music is so boring, cla lang ang nag-eenjoy, not their viewers. As Simon cowell would aptly put it “irrelevant”. The young audiences cannot identify with them. Dapat, ang mga artista nila ay young, talented, telegenic and may class. Sayang. They were not able to sustain their product.

  7. Jinkee says:

    I’m from Florida mas type kong panoorin ang SOP. I think
    sa susunod na show Party Pilipinas they have to create na mas lively and expose yung mga baguhan. Like when your dancing you have to be energetic ang give your best when your performing. Audience like to see new things and not repetitive. Good luck to their new show cant wait to watch it.

  8. wildfire says:

    My point ang writer…

  9. sinaj says:

    yn puro xe yabang!cla dw no 1 ha!

  10. maxie tienes says:

    hay naku, sa totoo lang kahit dito sa kabul, afghanistan kilala ang abs cbn, pati yung mga kanong sundalo tuwang tuwa sa wowowie, shows ng gma wala silang alam. ano ba yan? sana wag na nilang malaman, kasi nakakahiyang makita ang mukha ni mike enriquez, hahahahahaha.

  11. big daddy says:

    SOUR GRAPES!!! kakahiya naman yang mga taga SOP lalo na yang apat na main hosts, at nag abala talaga silang gumawa ng LYRICS para sa ASAP! halatang PIKON! Bakit kayo ganyan, ang way ng comedy nyo e laging pasaring at pintas sa mga shows ng ABS pag nadadaig kayo? kakahiya kayo, mga pikon! mana kayo sa lolo nyong si JOEY DE LEON!
    Ang yabang talaga ng apat na yan! nung nagpunta sila dito, sabi ba naman ni JAYA habang nanonood kami ng ASAP sa TFC, “wala yang ASAP na yan, kami ang number one!” e hindi ba nya alam na TFC subscribers kami at wala pang GMA Pinoy TV dito nung nagpunta sila, “SIRA” talaga yang si Neggie! Si Regine naman, napaka suplada! ayaw pang magpa picture! akala mo mo naman may hahablot sa kanya dito e, mas magaganda pa ang mga tao dito noh! si Ogie naman akala ng mga tao e bagong dating lang na probinsiyano! Si Janno naman, feeling diva talaga! laging late sa appointment! YUN NA! magbago na kayo, OK! Hindi sa lahat ng panahon, kayo ay sikat!

  12. Gagong Mga Alipunga (GMA) says:

    Ang totoong rason ay

    dahil inanod na ni Ondoy at Pepeng ang panel homes nila! hahhaa

    at na-ubusan na sila ng stock ng sardinas at 500! hahha

  13. jenny says:

    wel.. sv nga bilog ang mundo gnon tlga mnsan nsa ibabw mnsan nsa ilalim jeje wag muna intndhn ng GMA ang ratngs, kc pg ngppka stress cl bcoz of ratngs lalo clng bbgsak_. pnagdaanan dn nman ng ABS ang frustration dhl sa ratngs b4. . ang gwn nla pag icipan ang mga show na ggwn. . wag muna intndhn ang ratngs mxdo_.

  14. PARANG AWA NYO NA GMA says:

    DAPAT SINA REGINE AT OGIE ,LUMAGAY NA SA TAHIMIK AT MANAHIMIK NA SA BAHAY ,SI JAYA ALAGAAN MO NA LANG ANG MGA ANAK MO ,SI JANNO DAPAT DYAN LANG SIYA PALAGI SA LABAS NG STUDIO AT PARA MAGAMIT NYA ANG SHADES NIYA !HWAG NA NILANG PASUKIN PA ULI ANG BAGONG SHOW NA IIBAHIN LANG ANG PANGALAN.PLS KAPAG TSUGI NA ANG ISANG SHOW,ITSUGI NYO NA RIN ANG MGA LUMANG HOSTS DAHIL SILA ANG NAGPABAGSAK NON,OBVIOUS BA,BULAG BA KAYO!!WALA NG NAKIKINIG SA MGA KANTA NILA SA TOTOO LANG .WELL ASAP ULI TAYO DAHIL PAREHO LANG PALA!!!SOP PARIN SI GMA NA WALANG KADALA DALA!


Write a Comment


Copyright © 2013 Pinoy Parazzi. | Designed by Ronnelle Pangilinan & Jayson Pimentel