Pagbagsak ng Ranking ng ‘Pinas sa World Press Freedom Index, Kinontra ng Palasyo

INALMAHAN NG Palasyo na sumadsad ang ranking ng bansa sa World Press Freedom Index.

Base sa report ng France-based na Reporters Without Borders, nasa ika-147 puwesto ang Pilipinas ngayong taon kumpara sa ika-140 pwesto noong nakaraang taon.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, walang basehan ang binabanggit sa ulat ng nasabing grupo.

Pinayuhan pa ni Lacierda ang grupo na i-update ang kanilang ulat dahil hindi naman dito naipaliwanag kung bakit bumagsak ang ranggo ng bansa.

Samantala, nanguna naman sa ranking ang Finland na sinundan ng Netherlands at Norway habang nasa dulo naman ng listahan ang mga bansang Turkmenistan, North Korea at Eritrea.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.