Pagbabawas ng Buwis, ‘Di pa Napapanahon – Henares

TINUTULAN NG Bureau of Internal Revenue (BIR) ang panukala ni Senador Ralph Recto na bawasan ang sinisingil na buwis dahil sa gu-magandang ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na hindi pa napapanahon ang hirit ng senador.

Bagama’t bumubuti aniya ang kondisyon ng ekonomiya ay hindi pa ito sapat para matiyak na hindi malulugi o magkakaroon ng surplus ang pamahalaan.

Ayon kay Henares, ang report ng Fitch Ratings na nagsasabing bagama’t nasa investment grade na ang Pilipinas ay marami pang dapat tutukan kabilang na ang revenue collection.

Una nang ipinanawagan ni Recto sa administrasyong Aquino na ibaba sa 10% ang buwis ng mga kumikitang mamamayan.

Maaalala na si Recto ang nagsulong noon ng 12% value-added tax (VAT).

Samantala, ipinaalala naman ng BIR commissioner na sa Abril 15 na ang deadline ng paghahain ng income tax return (ITR), at “Wala hong extension ‘yan,” ani Henares.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Pagbabawas ng Buwis, ‘Di pa Napapanahon – Henares

Leave a Reply

Your email address will not be published.