Pagbabawal sa Anti-SONA rally, Depende sa QC Gov’t

SINABI NG Task Force SONA 2013 na hindi sila ang nasa likod ng pagbabawal ng anumang rally sa araw ng pag-uulat sa bayan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Inihayag ng SONA preparation committee na ang sakop nila ay mga aktibidad sa loob ng Batasan Complex, habang ang anumang mga kaganapan sa labas nito ay nakadepende na sa Quezon City local government.

Maaalala na inanunsyo ng QC LGU na hindi na papayagan ang kilos-protesta malapit sa Batasang Pambansa dahil sa abala ito sa daloy ng trapiko.

Samantala, itinalaga ang QC Circle para pagdausan ng mga demonstrasyon ng mga militanteng ibig magsagawa ng rally.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.