Pagbabati ni Cristine Reyes, Pokwang at RR Enriquez, kaplastikan lang?

MAY MGA NAGDUDUDA sa pagbabati nina Pokwang, RR at Cristine Reyes. Ano raw ba ‘yun, batiang tsika lang na nagkasalubong sila o pinag-usapan talaga nila ang mga naging differences nila sa Banana Split?

Iyan ang tanong ng ilan naming secret texters, kapatid na Alex, na nakasaksi diumano ng mga palitan nila ng maanghang na text messages at parunggitan noon sa set.

Well, obvious namang si Cristine ang nag-effort para magkaayos sila dahil sa ngayon, siya itong may mga nakalinyang proyekto sa Kapamilya network.

Alam naming mababait at marunong namang makinig sina Pokwang at RR, pero para sa kaalaman marahil ni Cristine, handa ang dalawa na ipakita at ipabasang muli kay Cristine ang laman ng mga mensahe niya dati to prove na siya itong may anghang at asim sa kung anumang isyu nila noon.

Tsika nga ng silent texters namin, “wait na lang muna tayo hangga’t hindi pa naipapalabas ang mga shows ni Cristine. Pag naipalabas na iyan, asahan ninyo ng may part two ang emote niya dati.”

May ganun???

by Ambet Nabus

loading...

2 thoughts on “Pagbabati ni Cristine Reyes, Pokwang at RR Enriquez, kaplastikan lang?

  1. Kaplastikan nila Pokwang at RR. Go Christine. You have proven na gusto ka parin nang dalawang networks dahil sa projects mo ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.