Pagbabantay sa Recto Bank, Mas Palalawakin

PALALAWAKIN PA NG Philippine Navy (PN) ang pagbabantay sa Recto bank sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos na ipahayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC summit sa Hawaii, na malaki ang posibilidad na may malaking nakaimbak na natural gas sa Recto bank.

Kayang bantayan ng BRP Gregorio del Pilar ang Recto bank at Malampaya, ayon kay Navy spokesman Lt. Col. Omar Tunsay.

Tiniyak naman ni Vice Admiral Alexander Pama, flag officer in command ng Phil. Navy, ilalabas na nila ang nasabing barko para bantayan ang naturang bahagi ng bansa.

Naging kontrobersiyal ang Recto bank matapos na baklasin ng Philippine Navy ang mga marker na may Chinese character noong nakalipas na buwan ng Hunyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.