Pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee, dinumog

INABANGAN TALAGA NAMIN ang pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee kahapon. Engrande ang opening at talaga namang todo-todo ang hataw ng mga audience at hosts ng show. Dumating din sa naturang episode ang mga bigating sina Dra. Vicki Belo at anak nitong si Cristalle Belo Henares, may-ari ng Bench na si Ben Chan at marami pang iba.

Kitang-kita na balik ang energy at saya sa studio sa pagbabalik ni Willie. Halos magmukhang mini-concert ang opening ng Wowowee dahil ang daming kantang sinayaw ni Willie. ‘Di naman nagpatigil ang mga fans sa paghatawa at sinabayan ang energy ni Willie. Siksikan at halos wala ka nang maupuan sa loob ng Studio3.

Pinasalamatan ni Willie ang lahat ng mga nag-abang at sumuporta sa kanya habang nakabakasyon siya ng halos dalawang buwan. “Sa mga nanay at lola’ng nag-strike noon, maraming salamat. Sana hindi kayo inatake ng mga rayuma n’yo. Ayoko kayong tawaging mga fans. Kayo’y mga kapamilya ko.” pabirong hirit ni Willie.

Wala na raw iwanan gaya ng sabi ni Willie, pero hindi pa rin niya sinasabi o kinukumpirma kung talagang tatakbo siya bilang Vice President ni Manny Villar. Kahit noong sunduin namin siya sa airport nang umuwi siya nu’ng Biyernes nang umaga, ay paiwas din ito sa pagsagot tungkol sa political plans niya. Pero sinabi ni Willie na puwede naman siyang tumulong sa mga kababayan natin kahit hindi tumakbo bilang senador o bise-presidente.

MAAYOS NA AT nakalabas na ng ospital si Martin Nievera matapos siyang isugod sa Makati Medical Center noong Sabado ng gabi pagtapos ng kanilang concert ni Gary Valenciano na As 1 na ginanap sa SM Mall of Asia concert grounds. Exhaustion at dehydration ang naging sanhi ng pagkakasugod kay Martin sa ospital.

Napakadaming tao sa loob ng venue at talaga namang successful. Nag-enjoy ang lahat sa kanilang production numbers tulad ng pagkanta ng kanilang mga hit songs, Michael Jackson Medley, Broadway Musicals, isang special duet with Zsa Zsa Padilla and Pops Fernandez na naka-project sa isang malaking LED screen, na animo’y nandoon sila mismo sa naturang venue. Nagperform din ang kani-kanilang mga anak na sina Gab Valenciano at Rob Nievera.

Suportado ng kanilang mga kasamahan sa industriya ang naturang concert. Spotted doon sina Megastar Sharon Cuneta at senator Kiko Pangilinan, Zsa Zsa Padilla at Karylle, Dra. Vicki Belo at ang anak niyang si Cristalle Henares, Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Jericho Rosales, Vina Morales, Toni Gonzaga kasama ang boyfriend na si Direk Paul Soriano, pati ang ilang executives ng ABS-CBN.

Request ng ilang fans na hindi makapanood sa concert na ipalabas ito sa TV. Naku, ‘wag kayong mag-alalala dahil tineyp ang naturang concert at ipalalabas ito soon sa ABS-CBN.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

15 thoughts on “Pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee, dinumog

  1. i was watching wowowee nun wala si bastos at gago willie na yan eh mas gumanda nga ang show NOW THE DEVIL is back i RATHER WATCH OTHER NOON TIME SHOW.

  2. di na kayo nahiya sa pamilya ng namatayan, bakit niyo ba binabalik ang issue na yan? bakit niyo dinadamay si willie? aksidente nga e, mga bobo, parang kayo lang ata mga kapuso may gusto na mangyari yun, mga gago,di naman sila pinababayaan ng 71 dreams foundation ah, ang kikitid talaga ngt mga utak ninyo, insecure lang talaga kayo sa wowowee, di niyo lang matanggap na number 1 ang wowowee

  3. di na kayo nahiya sa pailya ng namatayan, bakit niyo ba binabalik ang issue na yan? bakit niyo dinadamay si willie? aksidente nga e, mga bobo, parang kayo lang ata mga kapuso may gusto na mangyari yun, mga gago,di naman sila pinababayaan ng 71 dreams foundation ah, ang kikitid talaga ngt mga utak ninyo, insecure lang talaga kayo sa wowowee, di niyo lang matanggap na number 1 ang wowowee

  4. WHO LET D DOGS OUT, WOO, WOO, WOO… MGA WILLY HATERS KAHOL KYO NG KAHOL MOVE ON SAWA NABA KAYO SA KAKATAYA NG LOTTO AT SOBRANG INGGIT NYO SA EASY MONEY NYA… OA NA KYO HA TSUPEE..PARANG SA KAYAMANAN NI WILLY KYO NAGLALAWAY DI NA DUN K MADAM CORY ANG ISYU…MAS MAYABANG KC SA INYO C WILLY.. WILLY KUNG MARAMI KA NGANG KAYAMANAN WAG KNA BUMALIK SA WOWOWEE PAMPASIRA KLANG SA DOS SKA DAMING NAGKAKASAKIT SA PUSO..LALO NA YUNG HINDI NA NKAKANTA NG MULA AFARI HANGGANG JOLO DHIL HANGGANG TONDO NLANG..HAR HAR HAR

  5. kung papasok si willie sa politika, doon na sya mag wawa we.

    mga politiko mga kontistan nya ha ha ha ha ha ha. sinu mag laro sa pasalog, at wilyonaryo.

    si firmin ang co host nya whaaaaaaaaaaaaaaaaa

  6. ngayon puede nang matukoy kung ilan ang MGA BOBO, GAGO, TARANTADO AT WALANG MODO dito sa Pilipinas… bilangin nyo lang ang lahat ng FANS NI WILLIE… hahaha

  7. in-fairness di ko naramadam na bumalik na pala sya sa wowowie ultra stampede nakabayad na ba sa mga buhay na nawala?buti ang eat bulaga pinarangalan ang apat na tumayo ng mahigit walong oras sa paghatid kay cory na walang reklamo at ang mga nagligtas sa lumobog na barko ng superry iyan dapat ang iwelcome hindi kung sino sino na walang silbi sa earth at angrereklamo pa para hatian sya sa monitor nakakahiya naman kayo wala na bang ibang host na hindi hambog.

  8. willie mg host ka na lang….hindi mo nga magampanan ng maayos mg host pasok ka pa sa politika….ano gagawin mo doon? marami na kayong naka upo lang…dyos ko po paano na lang ang ating mahal na bayan.

    walang director doon na mgsabi kung ano gagawin mo…puros utak pairalin doon.

  9. Sino ang pinatatamaan ni Willie na nagkagalit nang wala siya? Ang alam namin, si Mariel, sinigaw sigawan ang mga staff nang Wowowee. Isa, inaway siya at sinabing may college education siya at hindi dapat sigaw sigawan ni Mariel nang ganoon dahil si Mariel, walang pinagaralan. Naniniwala akong si Mariel ito. Ilusyonada kasi. Akala niya, siya na ang magiging permanent host nang Wowowee.

      • grabe knmn…kht anak ng japayuki c mariel
        d mo dpt laitin…baka d mo alam…
        dugo at pawis puhunan ng mga nahtatrabho s japan
        mbuhay lng ang pmilya nila.
        baka nga mas may pkinbang pa gobyerno s mga japayuking hinhmak mo kesa syong
        imburnal ang bunga2.

      • tama ka jakar, regardless na anak ng japayuki si mariel it doesnt matter. besides, she comes from a well to do family so hindi totoo yan. sa de la salle zobel nga siya nag aral.

    • Sobra talaga itong si Mariel. Mukhang nahawa sa idolo niya na palaging pinagagalitan ang staff. She has no right to scream at anyone, educated or not. Mas lalung mal-edukada ang dating. Maraming magagandang pamilya na malaki ang pagmahal at respeto sa katulong o staff. Si Mariel, parang langaw na natuntong sa kalabaw. Yabang ang dating. Nakita rin namin ang pagyayabang niya sa Entertainment Live. Manager daw niya si Boy Abunda at sinabi sa kanya ang ibig sabihin nang “double up” nang PBB. Hindi ba dapat sikreto lahat ito at lahat nang PBB hosts dapat tumahimik? ABS-CBN, YOU MAY HAVE TO WATCH OVER THIS GIRL. SHE COULD BE THE ONE THAT WILL SPOIL YOUR AGENDA. That’s the reason why a lot of people watch PBB. It’s the “what’s next and who did it” factor that makes it interesting for everyone. I DON’T THINK MARIEL CAN KEEP HER BIG MOUTH SHUT AS A REQUIREMENT FOR MOST HOSTS, LALU NA KUNG SINAPIAN NA SIYA NANG KAYABANGAN. . . .MGA STAFF NANG WOWOWEE, INIS NA INIS NA SA KANYA. . .

  10. anong strike ang sinasabi ni willie? yung mga taong binayaran ng P200 plus libreng lunch para lang mag rally kuno sa harap ng wowowee entrance? kawawa naman si Dolphy nadamay sa flop na show ni willie!

Leave a Reply

Your email address will not be published.