Sugod Shooting: Pagbabaklas ni Osang!

Kapansin-pansin ang pag-ariba ni Rosanna Roces sa indie scene. Ngayong taon lang, apat agad ang nilabasan niyang mga kontrobersiyal na pelikula: Aurora, Karera, Pasang Krus at Manila.

Sa Facebook ni Osang, nalaman namin na busy ang aktres sa pelikulang Baklas, kung saan hindi lang siya artista, direktor pa! Oo, mga kapatid, direktor na si Selya!

Tungkol sa mga kababayan nating nagbebenta ng kidney o bato, para lamang kumita ng pera, ang pelikulang Baklas. Nakalulungkot mang isipin, normal na ang senaryong ito sa squatters area at sa mga probinsiya.

Kasama rin sa pelikulang sina Maria Isabel Lopez, Pia Moran, Melissa Mendez, Maricar Madrid at ang ating one and only Tita Swarding. Binaklas ng ating kaparazzi ang set ng pelikula. Buti na lang at hindi siya nasermonan ni Direk Osang!

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.