Pagbabago sa Liderato ng Senado, Tuloy

MATAPOS LUMABAS ang 9-3 sa nakaraang senatorial elections pabor sa Team PNoy, tuloy na ang  pagbabago sa leadership ng Senado at pagbaba sa puwesto ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada kaugnay sa posibleng pagbabago ng leadership ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagpasok ng 16th Congress sa Hulyo.

Posibleng humiling u-mano si Estrada ng meeting sa tinawag niyang “macho bloc” ng Senado kung saan posibleng makasama sina senators-elect Nancy Binay, JV Ejercito-Estrada at Senator Ramon Bong Revilla.

Ayon kay Senator Miriam Defensor-Santiago, posibleng maglaban sa Senate Presidency sina Senators Alan Peter Cayetano at Franklin Drilon.

Pero ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto may isa pang senador na naghahangad na maging kalapit ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Samantala, tumangging pangalan ni Sotto ang sinasabi niyang kasamahan na nais ring maging Senate president.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.