Pagawaan ng Plastic, Nasunog

NAGING ABO ang pagawaan ng plastic matapos itong tupukin ng apoy nang unang magliyab ang imbakan ng mga kemikal sa bodega kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection Valenzuela City, dakong alas-7:45 ng gabi nang magsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng Tyson Industrial Corporation na matatagpuan sa M. Gregorio St., Canumay West ng nasabing lungsod.

Ayon sa guwardiya ng naturang pabrika, ang ikatlong palapag ay imbakan ng mga kemikal na siyang ginagawang plastic, kung saan ay bigla na lamang may lumiyab.

Tinangka nilang apulahin ang apoy subalit mabilis itong kumalat na umabot sa 5th alarm na inabot ng apat na oras .

Tinatayang aabot sa P16-milyon na ari-arian ng tinupok ng apoy.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang pamatay-sunog upang alamin ang tunay na pinagmulan ng sunog.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.