Pagawaan ng Paputok, Sumabog; 2 Patay, 2 Sugatan

DALAWA ANG patay at dalawa rin ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang pagawaan ng paputok sa Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ayon kay F/Sr.Insp. Carlos Estipular, Fire Marshall ng Bulacan Fire Station, bandang alas-2:00 ng hapon nang nangyari ang insidente sa Olly’s Fireworks Manufacturing na matatagpuan sa Barangay Duhat, Bocuae, Bulacan.

Kinilala ang mga namatay na sina Larry Alano, 21 at Adrian Paul Grey, 15, mga stay-in worker sa nasabing pagawaan ng paputok.

Ayon kay F/Sr.Insp. Carlos Estipular, Fire Marshall ng Bulacan Fire Station, bandang alas-2:00 ng hapon nang nangyari ang insidente sa Olly’s Fireworks Manufacturing na matatagpuan sa Barangay Duhat, Bocuae, Bulacan.

Si Alano ay namatay ng pinangyarihan ng pagsabog habang si Grey naman ay naisugod pa ng pagamutan subalit namatay rin makaraan ang walong oras.

Samantala,pinauwi na rin kaagad ang dalawa pang sugatan na sina Cerino Fernandez, 17 anyos; at Ramilito Lingkias, 18 anyos, matapos malapatan ng lunas ang mga sugat ng mga ito.

Sa lakas ng pagsabog ay nadamay rin ang isa pang gusali na mayroong 50 metro ang layo sa nabanggit na pabrika.

Sa isinagawang im-bestigasyon ng Arsaon Division ng nasabing fire station, may hinala sila na posibleng naging dahilan ng pagsabog ay ang sobrang tindi ng init ng araw.

“Napapalibutan po ng maraming drum ang pabrika na punung-puno ng tubig para masiguro ‘yung kaligtasan namin. Kaso po nu’ng sumabog hindi na namin kayang malapitan, ang lakas po eh,” ayon naman sa isang trabahador na si Sherwin Cabile, 19 anyos.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon pamatay sunog ng Bucaue, Bulacan kung ano tunay na dahilan ng pagsabog at kung magkano ang halaga ng naging pinsala.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.