PAGASA: Wala nang Bagyong Papasok sa Oktubre

 

PINAWI NGAYON NG Pag-asa ang pangamba ng mga residenteng binaha dahil sa mga nakaraang bagyo na hanggang nga-yon ay hindi pa rin lubos na humuhupa ang tubig sa kani-kanilang lugar.

Wala nang papasok na bagyo sa natitirang araw ng Oktubre at tinatayang magiging maganda ang panahon sa loob ng mga susunod na linggo, ayon kay DOST Usec. Graciano Yumul.

Bagama’t may mga low pressure area (LPA) na maaaring makita sa paligid ng Pilipinas, hindi naman ito lalakas para maging bagong weather disturbance.

Samantala, inaayos na ngayon ng Pagasa ang paglalabas ng color coded rainfall intensity.

Ito umano ang magi-ging batayan kung magkakaroon ng babala sa baha para sa kanselasyon ng klase sa mga paaralan o suspensyon ng pasok sa mga opisina.

Gayunman, maaaring sa susunod na taon pa umano ito maipatupad dahil may tatlong buwan munang test sa mga Doppler radar na kukuha ng datos para sa ulan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.