Pagalingan sa pagkumpuni ng barko Baradero, binar-b-q ng pinsan

PATAY ANG ISANG baradero matapos itong tuhugin ng icepick ng kanyang pinsan makaraang hindi magpatalo ang huli sa una sa pagalingan magkumpuni ng barko kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Tondo General Hospital sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Cesario Pajares y Talosig, 29, binata, baradero, ng No. 99 Los Marterez, Bgy. San Jose Navotas City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Jose Pastor y Pajares, nasa hustong gulang, baradero, residente ng nasabing lugar, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ang insidente, nag-iinuman ang biktima at ang suspek habang nasa kalagitnaan ng pag-iinuman ay napag-usapan ang mga ito tungkol sa kanilang trabaho at nagpagalingan sa pagkumpuni ng barko.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap ay hindi nagpapatalo ang suspek sa biktima na mas magaling itong kumumpuni ng barko na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Para hindi na mauwi sa gulo, agad na tumayo ang biktima at pumasok na ito sa kanilang bahay subalit lingid sa kanyang kaalaman, sinundan ito ng suspek na may dalang icepick at habang nakatalikod, at sunud-sunod itong inundayan ng icepick.

Bumagsak sa lupa ang biktima na tadtad ng tama ng icepick habang mablis na tumakas ang suspek sa ‘di malamang direksyon.

Agad namang dinala ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na pagamutan ang biktima, subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng mga manggagamot.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.